Smuggled na sigarilyo nasabat sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 05:31 AM

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY—Nasabat ng mga sundalo ang ilang karton ng mga hinihinalang smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Zamboanga City Police Office, nakalagay ang mga sigarilyo sa isang sasakyan.

Hindi umano huminto ang sasakyan sa ikinasang checkpoint sa Baliwasan Seaside maga-ala-1 ng madaling-araw.

Hinabol ng mga miyembro ng 74th Infantry Battalion ang sasakyan hanggang sa makorner ito malapit sa isang paaralan.

Itinurnover ng mga sundalo ang mga sigarilyo sa pulisya at inaalam pa ang halaga ng mga ito.—Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.