Isetann muling binuksan pero mga nagbebenta ng cellphone pinaalis

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 07:42 PM | Updated as of Oct 11 2019 09:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Muling binuksan sa publiko ang Isetann Cinerama Complex 2 araw matapos itong ipasara ng lokal na pamahalaan ng Maynila dahil sa patong-patong na paglabag sa ordinansa.

Pero kasabay nito, tuluyan nang pinaalis ang mga nagbebenta ng cellphone sa lugar.

Sinasabing bagsakan umano ng mga nakaw na cellphone ang ilang stalls sa Isetann.

Naiyak ang isang vendor at sinabing "nasaktan" siya sa hakbang na ipasara ang kanilang tindahan.

"Pasensiya na po pero sobrang sakit po ng ginawa niyo sa amin. Sobrang hirap po. Kasi wala naman kami ibang pupuntahan. Biglaan po 'yung pullout sa tinagal namin dito," aniya.

Pinatawan ng closure order ang pasilidad dahil sa maling pagdeklara ng floor area, kakulangan ng permit, at pagiging bagsakan umano ng mga nakaw na cellphone.

Aabot sa P3 milyon ang binayaran ng Isetann management para sa mga multa at kulang na buwis, ayon kay Levi Facundo, officer-in-charge ng Bureau of Permits ng Manila City Hall.

Pero may iilan namang empleyado ng mall na masaya dahil mayroon na muli silang hanapbuhay.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.