Ama na wanted sa panggagahasa sa anak timbog sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 04:44 PM


MAYNILA — Arestado ng pulisya nitong Biyernes ang isang ama na wanted dahil sa panggagahasa sa kaniyang anak noong 2018.

Nadakip sa Taytay, Rizal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek, 45, sa bisa ng warrant of arrest niya sa kasong rape at paglabag sa Anti-Child Abuse law.

Ayon sa CIDG, 2018 nang gahasain ng suspek ang kaniyang anak na menor de edad pa.

Walang piyansang inirekomenda si Judge Jennifer de Lumen ng Cainta Regional Trial Court.


—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.