20 motorsiklo sumemplang dahil sa tumagas na langis ng trak sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 05:28 AM | Updated as of Oct 11 2019 01:09 PM

Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA—Sumemplang ang nasa 20 motorsiklo dahil sa tumagas na langis ng trak sa Commonwealth Ave., Quezon City Biyernes ng hatinggabi.

Wala namang malubhang nasugatan sa insidente at agad umalis ang mga rider.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi umano agad napansin ng drayber ng trak na tumatagas ang langis.

Mula St. Peter Parish hanggang sa kasunod na footbridge malapit sa Sandiganbayan nagkalat ang tumagas na langis.

Nilatagan agad ng buhangin at kusot ang kalsada habang nalinis ito maga-alas-2 ng madaling-araw.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.