P3.2 milyong halaga ng marijuana, nasamsam sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 05:26 AM | Updated as of Oct 11 2018 09:00 PM

MAYNILA - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P3.2 milyong halaga ng marijuana sa buy-bust operation sa Barangay Greater Fairview, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Nahuli ang suspek sa kaniyang inuupahang apartment. 

Tinatayang may bigat na 27 kilo ang nakumpiskang marijuana na naka-pakete at bloke-bloke.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, malaki ang posibilidad na malawak ang operasyon ng suspek.

"Mero siya ditong mga aso na inaalagaan at kung meron mang naghalong amoy, hindi malalaman," aniya. "Meron siyang mga parokyano na kumukuha rito na hindi naman tingi-tingi pero bultuhan."

Aminado naman ang suspek na sangkot ito sa pagtutulak.

"Sa hirap ng buhay po," aniya.

Inaalam ngayon ng pulisya kung saan ibinibenta ang mga marijuana at kung sino-sino ang mga konektado sa suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.