P3 milyong halaga ng 'shabu', nasamsam sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 07:20 AM

CEBU - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Barangay Ermita, Cebu City Huwebes ng madaling-araw.

Naaresto rin ang target ng operasyon na pamangkin ng isang umano'y drug lord na napatay sa Bohol noong 2016.

Ayon sa Pardo Police Station, nakumpiska ang mga droga sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Minanmanan nila ang suspek ng isang buwan bago ikasa ang operasyon.

"Posible na siya ang sumunod sa negosyo ng kaniyang tiyuhin," ani PO3 Arnold Talam ng Pardo Police Station.

Pinabulaanan naman ng suspek na sangkot ito sa pagtutulak. Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.