'Most wanted' ng Calamba, patay sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 10:49 PM

MAYNILA - Patay ang itinuturing na most wanted personality ng Calamba, Laguna sa buy-bust operation sa Barangay Linga ng naturang lungsod.

Kinilala ang suspek na si Arturo Maunahan Plaza na may kinakaharap na kasong 5 counts of murder at sinasabing lider ng Turo drug group at miyembro ng Dela Cruz-Sangalang kidnap-for-ransom group.

Ayon sa pulisya, nagkasa ng operasyon ang Calamba police laban kay Plaza ngunit habang nagkakapalitan ng droga at pera ay nakaramdam umano itong pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Nagpaputok umano si Plaza sa mga pulis kaya't gumanti ang mga operatiba at tinamaan ang suspek, na agad na binawian ng buhay.

Nakuha sa crime scene ang isang baril, buy-bust money, at isang pakete ng hinihinalang shabu. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.