Lumad leader patay sa pamamaril sa Surigao del Sur

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 04:56 PM

BUTUAN CITY - Patay ang isang lider ng mga Lumad sa San Miguel, Surigao del Sur matapos pagbabarilin ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA), Miyerkoles ng hapon. 

Pauwi na si Datu Rexan “Loloy” Liwanasan Brital nang pagbabarilin ng mga umano’y rebelde.

Nagtamo siya ng anim na tama ng bala sa katawan na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Si Brital ay isang Manobo tribe leader at dating public information officer ng Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (TRIFPSS) sa kanilang komunidad. 

Siya din ang nagbunyag ng mga iregularidad sa kurikulum ng TRIFPSS.

Nanguna rin siya sa pagkondena sa mga pagpatay umano ng mga NPA sa kaniyang mga kasamahang Lumad.

Ayon sa 36th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang pagpatay kay Brital ay paglabag sa International Humanitarian Law sa ilalim ng Republic Act 9851.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.