Heart relic ni Padre Pio, nasa Cebu na

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 02:39 PM | Updated as of Oct 11 2018 08:17 PM

Sinimulan na ang public veneration sa heart relic ni Saint Pio of Pietrelcina o mas kilala bilang Padre Pio sa loob ng Cebu Metropolitan Cathedral. Annie Perez, ABS-CBN News

CEBU CITY - Sinalubong ng mga deboto ang heart relic ni Saint Pio of Pietrelcina, o mas kilala bilang Padre Pio, nang dumating ito sa Cebu Metropolitan Cathedral, Huwebes ng umaga.

Maaga pa lamang ay nagdagsaan na ang mga deboto para personal na makita at makapag-alay ng dasal kay Padre Pio.

Dinaluhan ng mga deboto ang misang pinangunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Magtatagal ang heart relic ni Padre Pio hanggang Oktubre 13 bago ito ilipat sa Mindanao na pamumunuan naman ng Archdiocese of Davao.

Huling nanggaling ng Manila Cathedral ang heart relic ni Padre Pio kung saan libo-libo rin ang nagtiyagang pumila para sa public veneration.

Ibabalik ang relic sa Batangas kung saan magsasagawa ng concelebrated mass sa San Sebastian Cathedral sa Lipa City bago dalhin sa Capuchin Monastery sa Barangay San Sebastian ng naturang lungsod.

Nakatakdang iuwi sa Italy ang heart relic sa Oktubre 26.

Ang Pilipinas ang ika-apat na bansang binisita ng heart relic ni Padre Pio na kilala sa pagkakaroon ng stigmata o mga sugat sa kaniyang kamay na hawig sa mga sugat ni Kristo. - ulat nina Annie Perez at Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.