Ama, pinagtataga ng anak dahil sa away-kuryente

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 03:25 PM | Updated as of Oct 11 2018 03:41 PM

Nagtamo ng mga sugat sa braso si Juanito Llal nang inakala ng anak niyang lalaki na sinadya niya itong patayan ng kuryente sa bahay. Screengrab

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng kaniyang anak dahil umano sa alitan sa kuryente sa Barangay Pacifico, Ilocos Norte.

Nagtamo ng mga sugat sa braso si Juanito Llal nang inakala ng anak niyang lalaki na sinadya niya itong patayan ng kuryente sa bahay. 

Paliwanag ni Llal, inaayos lang naman umano ang safety box kaya pansamantalang naputol ang kuryente nila. 

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek. 

Magsasampa ng kaso si Llal laban sa kaniyang anak. Napuno na umano ito sa kaniyang anak dahil madalas nanggugulo lalo na tuwing nakainom ng alak. 

-- May ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.