2 hinihinalang holdaper, patay sa engkuwentro sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 03:56 AM | Updated as of Oct 18 2018 08:43 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Patay ang 2 hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan umano sa mga pulis sa Barangay Kaunlaran, Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga lalaki na umano'y nasa likod ng mga panghoholdap sa lugar.

Ayon kay Chief Insp. Joey Caise, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon City, isang linggo silang nagsasagawa ng surveillance sa Aurora Boulevard dahil sa mga kaso ng panghoholdap ng mga UV express drivers.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Doon nila napansin na nakapuwesto sa kanto ang 4 katao na sakay ng 2 motorsiklo. Nang mapansin sila ng mga lalaki ay nagkumaripas umalis ang mga ito papunta sa Santa Mesa, Maynila.

Pagdating sa kanto ng Mangga Street, Barangay Kaunlaran, ay bumunot umano ng baril ang 2 lalaki at nagpaputok sa mga pulis.

Gumanti ng putok ang pulisya kung saan napuruhan sa gilid ng kalsada ang 2 lalaki. Nakatakas naman ang 2 pa sa kanilang kasamahan. 

Narekober sa crime scene ang 2 kalibre .38 na baril at mga sachet ng hinihinalang shabu. — Ulat nina Francis Faulve at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.