1 sugatan sa banggaan ng trak at sasakyan sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 04:47 PM

PASUQUIN, ILOCOS NORTE - Sugatan ang isang lalaki matapos banggain ng isang 10-wheeler na trak ang minamaneho nitong sasakyan noong Martes.

Ayon sa biktimang si Edgar Alcaraz, nakita na niyang pagewang-gewang ang truck habang papasok sa detour ng Barangay Caruan sa Pasuquin.

Itinabi na ng biktima ang kaniyang sasakyan ngunit nabangga pa rin ito ng trak.

Humingi ng pasensiya ang nagmamaneho ng trak na si Herminihildo Badua Jr.

Paliwanag niya, nawalan umano ng preno ang kaniyang sasakyan.

Iniwasan umano ni Badua na sumalpok sa isang motorsiklo ngunit sa sasakyan naman Alcaraz ito bumangga.

Himala namang walang natamong galos ang mga sakay ng sasakyan na sina Cesar Gutierrez, Eulogio Pimentel at Santiago Moira Jr.

Naareglo naman ng dalawang partido ang nasabing insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.