3 Taiwanese, 1 Chinese patay sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2016 01:07 PM | Updated as of Oct 11 2016 02:55 PM

3 Taiwanese, 1 Chinese patay sa Pampanga 1
Kuha ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Natagpuang patay ang isang Chinese at tatlong hinihinalang Taiwanese sa dalawang bayan ng Pampanga Martes ng umaga.

Bandang 6:30 a.m. nang makita ng isang magsasaka ang bangkay ng isang babae at dalawang lalaki sa madamong bahagi ng megadike sa Barangay Dolores, Bacolor, Pampanga.

Nakabaon pa ang kalahati ng katawan ng isang bangkay at naka-packaging tape ang mga paa. Habang pinaghihinalaang may tama rin ng bala sa ulo ang kaniyang mga kasama. Tinatayang nasa 30-35 ang edad ng tatlo.

3 Taiwanese, 1 Chinese patay sa Pampanga 2
Kuha ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bandang 9:00 a.m. naman nang matagpuang patay ang isang Chinese na nakilala bilang si Michael Chen, 40, sa loob ng kaniyang SUV na nakaparada sa MacArthur Highway sa bahagi ng bayan ng San Fernando, Pampanga.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Pulisya ng San Fernando.