PatrolPH

SUV, tumama sa mga EDSA barrier; lalaki sugatan

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2021 07:59 AM

MAYNILA - Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga sa concrete barriers ang minamanehong SUV sa Ortigas flyover sa EDSA sa lungsod ng Mandaluyong, Linggo ng madaling araw. 

Ayon sa MMDA, mabilis ang takbo ng puting SUV sa southbound lane. Kaya napalakas din ng impact sa mga concrete at orange barriers nang mabangga ang sasakyan.

Nasira ang nasa higit isang dosenang barriers ng bus lane.

Ilang beses ding umikot ang van sa ibabaw ng mga concrete barrier hanggang sa mag-landing sa isang barrier. 

Nasaktan ang driver ng SUV, pero umalis siya agad matapos sunduin ng isang kotse.

Iniwan ang SUV na hinatak ng MMDA.

Nagdulot ng bahagyang trapik ang insidente sa lugar.

Ang Ortigas flyover southbound ay accident-prone area.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.