Sunog sumiklab sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 04:48 AM | Updated as of Oct 10 2019 06:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay San Martin de Porres sa Cubao, Quezon City Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay ala-1:30 ng madaling-araw.

Kuwento ni Helma Malfarta, nagising nal ang sila dahil sa apoy na nanggaling sa kanilang banyo.

"Tumalon na kami mula sa terrace papunta sa sasakyan," aniya.

Nasunog ang 2 kuwarto ng bahay ni Malfarta at tinatayang nasa P30,000 ang danyos ng insidente.

Nagkaroon naman ng komosyon matapos agawin ng isang lalaki ang fire hose ng mga bombero.

Pinagsusuntok siya ng mga residente at dinala sa barangay.

Pangalawang sunog na ito sa parehong barangay ngayong linggo.

Nitong Martes lang, nasunog rin ang ilang bahay na malapit doon.—Ulat nina Jervis Manahan at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.