P800K halaga ng shabu, nasabat sa Davao; mag-asawa arestado

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 09:22 PM

DAVAO CITY—Aabot sa P800,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang mag-asawa sa lungsod na ito Huwebes.

Inaresto sina "Musa" at "Sang" sa kanilang bahay sa Barangay Panacan matapos silang isumbong ng mga nahuling drug suspect.

Ayon kay Police Lt. Col. Jed Clamor, hepe ng Toril Police Station, nasa watchlist nila ang mag-asawang high-value target.

"Although taga-Panacan sila, makaabot pa rin sa Toril ang kanilang transaction. Marami din silang contacts. In fact, ang information nanggagaling sa kanilang mga consumer," ani Clamor.

Tinanggi ng mag-asawa na sa kanila ang nakuhang droga.

"Hindi ako nagbebenta. Iniwan lang 'yan ng babae dito kaninang umaga at itinago nila dito," ani Musa.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.