P600K halaga ng shabu nasamsam sa Davao; 2 tiklo

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 05:02 AM

DAVAO CITY — Aabot sa P600,000 ang halaga ng nasamsam na shabu mula sa dalawang suspek sa isang buybust operation sa Magallanes Street, Davao City nitong Miyerkoles.

Galing Marawi City umano ang mga suspek. 

Naiulat na supplier sila ng mga gumagamit ng ilegal na droga sa lungsod

Sa imbestigasyon ng pulisya, may mga nag-uutos sa mga suspek na dalhin ang shabu para sila ang makikipagtransaksyon.

Hindi na nagbigay pa ng pahayag ang mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.