Mga nawalan ng trabaho may makukuhang benepisyo sa SSS

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 05:29 PM | Updated as of Oct 10 2019 07:20 PM

Hindi pa rin nakahahanap ng bagong trabaho si Alwin Velasco, isang dating butcher, matapos mawalan noong Hulyo.

Nang mabalitaan ni Velasco na may unemployment benefit ang Social Security System (SSS), nag-apply siya at nakakuha ng perang katumbas ng isang buwang suweldo.

"Para sa'kin, ang laki din pong tulong. Pambayad-utang, ganyan, [gastos] sa bahay," ani Velasco.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pasok sa unemployment benefit ang mga nawalan ng trabahong miyembro na hindi lalagpas ng edad 60, na may hulog ng 36 buwan o 3 taon, at aktibo sa pagbabayad ng kontribusyon sa nakalipas na 12 buwan bago matanggal sa trabaho.

"A member is qualified to a benefit amounting to 50 percent of his average monthly salary credit, payable for a maximum of 2 months," ani SSS Vice President Normita Doctor.

Kailangan lamang magpakita ng SSS ID at sertipikasyon galing Department of Labor and Employment na nagpapatunay na natanggal sa trabaho.

May 4,600 miyembro ng SSS na ang nag-avail ng benepisyo. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.