Libreng sakay sa LRT-2 sa umaga, pansamantalang sinuspinde

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 11:08 PM

MANILA - Mula alas 3:00 hanggang alas 4:30 ng hapon na lamang pansamantalang ipatutupad ang libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT-2 tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Ayon kay Hernando Cabrera, spokesperson ng Light Rail Transit Authority, wala na muna ang libreng sakay sa umaga dahil mas late na nagbubukas ang LRT-2 ngayon.

Nitong Martes, inanunsyo ng LRT-2 ang partial operation nito mula sa stasyon ng Recto hanggang Cubao, simula alas 6:00 ng umaga

Sa regular na operasyon ng LRT-2 , alas 4:30 hanggang alas 6:00 ng hapon ng umaga ipatutupad ang libreng sakay.

Ayon kay Cabrera, muling ipatutupad ang libreng sakay sa umaga kapag bumalik na sa normal ang oras ng pagbubukas ng transit line. 

Noong October 3, nasunog ang power rectifier sa ilalim ng riles ng Katipunan station na nagdulot ng matinding pinsala sa transit line.

Noong Hunyo sinimulan ang libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT-2, MRT-3 at PNR tuwing rush hour.

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.