Lalaking nakagapos, laslas ang leeg natagpuan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 11:15 AM

MAYNILA — Isang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan nitong Huwebes sa gilid ng kalsada sa New Manila, Quezon City. 

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, nakitang may mga saksak sa katawan, may laslas sa leeg, at nakagapos pa ang biktima nang matagpuan sa damuhang bahagi ng 7th Street, Barangay Mariana. 

Sabi ni Lito Nepomuceno, executive officer ng Bgy. Mariana, pasado alas-6 ng umaga nang matagpuan ng mga tanod ang katawan ng biktima. 

Agad tumawag ang mga tanod sa Quezon City Police District (QCPD) para maimbestigahan ang krimen.

Inaalam pa ng QCPD ang pagkakakilanlan ng lalaki at kung ano ang motibo sa pamamaslang. —Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.