Kapulisan, mga hinihinalang NPA nagpalitan ng putok sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 01:13 AM

Naka-engkwentro ng tropa ng pulis ang tinatayang nasa 10 hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Kabankalan City, sa Negros Occidental nitong Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Army, nagsasagawa ng operasyon ang pulisya sa lugar nang biglang makasagupa ang mga rebelde.

Base sa report, umabot nang hanggang 15 minuto ang bakbakan ng dalawang panig bago umatras ang mga rebelde.

Ang operasyon ay bahagi ng pagtugis sa mga rebeldeng may kinalaman sa nangyaring enkwentro sa pagitan ng militar at NPA noong Oktubre 6.

Patuloy ang clearing operation ng pulisya at militar sa pinangyarihan ng insidente.

Walang naiulat na namatay o nasugatan sa nangyaring engkwentro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.