9 sugatan matapos mawalan ng preno ang sinasakyang jeep sa Ilocos Sur

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 11:14 PM

Siyam na tao ang sugatan matapos mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang jeep sa bayan ng Burgos sa Ilocos Sur nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, bumabaybay ang pampasaherong jeep sa isang kalsada sa Barangay Lubing nang mawalan ito ng preno. 

Nawalan ng kontrol ang drayber nito at napilitan siya na ibangga niya ang jeep sa isang puno para hindi sila mahulog sa bangin na malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Dalawang bata ang kabilang sa mga nasugatan sa aksidente.

Nagpapagaling na sa ospital ang mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.