7 tiklo sa droga sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 04:59 AM

NEGROS OCCIDENTAL—Arestado ang 7 lalaki sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Negros Occidental nitong Miyerkoles.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa P510,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa Silay City, nahulihan si alyas Junjun at kaniyang kasamahan ng P300,000 halaga ng shabu.

Samantala, narekober sa 3 lalaki ang nasa P180,000 halaga ng shabu sa Barangay 2, Bacolod City.

Sa Barangay Singcang Airport naman, nakuhanan ang 2 lalaki ng P30,000 halaga ng shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.