Gusali sa Bilibid, nasusunog

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 05:32 AM | Updated as of Oct 10 2018 06:12 AM

MAYNILA - Nasusunog ang isang gusali sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City Miyerkoles ng madaling-araw.

Kuwento ng mga residente na nakatira sa labas ng bilangguan, sumiklab ang apoy pasado alas-2 ng madaling-araw.

May narinig umano silang pagsabog at sumunod ang pagliyab ng Samsung building.

Ang gusali umano ang pinakapagawaan ng mga preso ng kanilang mga produktong ibinebenta, katulad ng basket.

Mga papel, goma, at plastic ang nasa loob ng gusali. Posible umanong mga makina ang narinig na sumabog.

Kahit na may sunog, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar. - ulat nina Ernie Manio at Fred Cipres, ABS-CBN News