Presyo ng gulay, bigas sa ilang pamilihan sa QC, bumaba

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 04:54 PM


Bumaba ang presyo ng ilang mga bilihin sa Balintawak at Muñoz Market sa Quezon City nitong Miyerkoles.

 KASALUKUYANG PRESYO NG GULAY 

• Sibuyas → P70/kilo (dati P90/kilo)
• Carrots → P120/kilo (dati P160/kilo) 
• Kamatis → P30/kilo (dati P40/kilo) 
• Calamansi → P35/kilo (dati P60/kilo) 
• Repolyo → P90/kilo (dati P100/kilo)
• Sayote- → P 60/kilo (dati P80/kilo) 
• Petchay Baguio → P60/kilo (dati P100/kilo) 

Pero mayroon ding gulay na nagtaas-presyo tulad ng luya na P80/kilo mula P70/kilo, habang P120/kilo naman ang baguio beans na dating P90 kada kilo.

Mayroon na ring bigas na nabibili sa presyong P42 hanggang P43 kada kilo na dating P45. 

Nasa P1 hanggang P2 naman ang ibinaba ng presyo ng sinandomeng, dinorado, at jasmine rice. 

Walang paggalaw sa presyo ng mga isda dahil P130 kada kilo pa rin ang galunggong, P100 ang tilapia, at P170 kada kilo ang bangus. 

Hindi rin gumalaw ang presyo ng mga karneng baboy na nasa P195/kilo, baka na P230/kilo, at manok na P130/kilo. 

-- May ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.