Motorcycle rider, utas sa pamamaril sa Mandaue City

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 09:20 AM

Dating drug surrenderer ang biktimang si Danilo Cantila at magtatapos pa lamang sana ng intervention program sa barangay nang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Mandaue City.

MANDAUE CITY - Patay ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Ampalaya, Barangay Cambaro, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang biktimang kinilalang si Danilo Cantila ay dating drug surrenderer.

Magtatapos pa lamang sana siya ng intervention program sa barangay para sa mga drug surrenderers.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.