Lalaki patay matapos barilin ng live-in partner sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 05:12 PM | Updated as of Oct 10 2018 07:13 PM

Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng live-in partner sa Kabankalan City, Negros Occidental nitong Lunes.

Kinilala ang lalaki na si Felesicimo Marquez Jr. , 49.

Ayon kay Supt. Jonel Guadalupe, hepe ng Kabankalan Police, umuwing lasing ang biktima at nagkaroon sila ng argumento ng anak ng live-in partner.

Nahampas ni Marquez ng martilyo ang anak ng live-in partner at asawa nito.

Sinubukang awatin ng live-in partner si Marquez pero nang magpatuloy pa rin ang gulo, kinuha niya ang .357 calibre na armas ng kaniyang kinakasama.

Nagpaputok ang live-in partner ng warning shot pero hindi pa rin nagpaawat si Marquez kaya nabaril niya na ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa likod si Marquez.

Agad namang sumuko sa pulisya ang live-in partner at panandaliang nanatili sa kustodiya ng Kabankalan Police Station bago palayain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.