'Kuliglig' nahulog sa bangin sa Isabela; 1 patay, 11 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 11:19 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang indibidwal sa Cabagan, Isabela nang mahulog sa bangin ngayong Miyerkoles ang "kuliglig" na sinasakyan ng mga magsasaka patungong bukid.

Naisugod pa sa ospital sa Cabagan ang biktima pero idineklara rin itong dead on arrival. Sugatan naman ang 11 pang kasama nito sa kuliglig at nagpapagaling ngayon sa pagamutan.

Ayon kay SPO1 Bonifacio Binondo, hepe ng pulisya sa Cabagan, papunta sana sa bukid para mag-ani ng mais ang mga sakay ng naaksidenteng kuliglig.

Mabilis aniya ang patakbo ng drayber ng sasakyan kaya ito nahulog, batay na rin sa salaysay ng ilang nakaligtas. Giit din ng pulis, matagal nang ipinagbabawal sa highway ang kuliglig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.