Driver ng trak patay sa pamamaril sa Butuan City

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 05:40 PM

Nagtuloy-tuloy sa palayan ang minamanehong dump truck ng biktima matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Lemon sa Butuan City. Richmond Hinayon, ABS-CBN News


BUTUAN CITY - Patay ang isang driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang salarin, Martes ng hapon sa Barangay Lemon dito. 

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang biktimang si Luisito Ten-ao nang pagbabaralin ito ng mga salarin lulan ng motorsiklo.

Dead on the spot ang biktima habang nahulog din sa palayan ang minamaneho niyang dump truck.

Hindi naman nadamay ang kasama nitong pamangkin na agad nakatakbo nang tumakas na ang mga salarin.

Iniwan naman sa crime scene ng mga salarin ang puting guwantes na ginamit nila.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang pamamaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.