Barangay tanod sa Iloilo, patay sa pananaksak

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 10:56 PM

BAROTAC VIEJO, Iloilo - Patay sa pananaksak ang isang 39 anyos na barangay tanod sa Barangay San Lucas, Barotac Viejo, Iloilo nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Ronel Cañadella. Natagpuan ang kaniyang bangkay sa isang palayan.

Ayon sa ina ng biktima, Martes ng gabi nang huling nakitang buhay ang biktima. Umuwi ito sa kanilang bahay pero umalis din para pumunta sa isang inuman sa karatig-bayan.

Kasamang umalis ni Cañadella ang chief tanod ng kanilang barangay, ngunit umuwi rin ito makalipas ang 30 minuto.

Ayon sa pulisya, kinuhanan na ng pahayag ang nasabing tanod na huling kasama ng biktima. Isa rin umano siya sa iniimbestigahan ng pulisya.

Ilan sa mga motibong tinitingnan ng pulisya ang away dahil sa kalasingan o kaya ay problema sa pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.