Babae, patay matapos pagtatagain ng nakaalitang kostumer

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 06:33 AM

Larawan mula sa Sibagat Municipal Police Station

AGUSAN DEL SUR - Patay ang isang babae matapos pagtatagain ng nakaalitang kostumer sa Sibagat, Agusan del Sur noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Cindy Tundag, 21 anyos.

Sumuko naman ang suspek sa mga pulis nitong Martes ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng Sibagat Municipal Police Station, nagkasagutan umano ang biktima at suspek matapos magreklamo ito sa inorder na pulutan.

Umuwi ang suspek at bumalik sa sabungan sa Barangay San Vicente na may dala ng itak.

Pinagtataga ng suspek si Tundag sa iba't ibang parte ng katawan hanggang sa mamatay.

Depensa ng suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa takot na maunahan ni Tundag.

Aniya, nagbitiw umano ng salita ang biktima na ipapatay siya sa mga kakilala nito.

Mahaharap ang suspek sa reklamong murder. - ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.