2 patay sa aksidente sa Zamboanga del Sur

PJ Gisan, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 12:00 PM

Patay ang drivers ng dalawang behikulo sa aksidente sa Zamboanga del Sur. Larawan mula sa Dumalinao Municipal Police Station.

DUMALINAO, Zamboanga del Sur – Dalawa ang patay habang pito ang sugatan sa aksidente sa Barangay Paglaum sa nasabing bayan, Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang isang fish carrier at inararo ang 5 sasakyan at dalawang motorsiklo. Naka-salpukan pa nito ang isang forward truck na may kargang construction materials.

Dead on the spot ang driver ng fish carrier at forward truck. Naitakbo naman sa ospital ang mga sugatan.

Galing Zamboanga City ang fish carrier at patungo sanang Pagadian City nang maaksidente.

Nagkalat din sa daan ang mga kargang isda ng fish carrier.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.