1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Bacoor, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 09:41 AM | Updated as of Oct 10 2018 08:36 PM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki habang sugatan namang ang isa nang tambangan sila sa isang highway sa Bacoor, Cavite, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police, patungong Imus ang mga biktima sakay ng isang Fortuner nang tabihan at pagbabarilin ng 2 nakamotorsiklong suspek.

Watch more in iWantTFC

Aniya, sa limang sakay ng kotse, dalawa ang tinamaan. Agad silang isinugod sa malapit na ospital pero idineklarang dead on arrival ang isa sa mga ito.

Nakilala naman umano ng misis ng napatay na lalaki ang bumaril sa kanila dahil wala itong helmet, ani Cabatingan. Kapitbahay umano ito ng mga biktima. 

Away sa lupa ang tinitingnang anggulo, sabi ni Cabatingan, pero hindi pa rin binabalewala ng pulisya ang iba pang posibleng motibo sa pamamaril. ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.