Misis, tinaga ang mister dahil sa 'kulang' na ibinigay na pera

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 11:28 AM

Kulong ang isang babae sa Talisay City, Cebu matapos niyang tagain ang kaniyang mister sa ulo.

Ayon sa biktima, hindi nagustuhan ng kaniyang misis na P300 lang ang naibigay niya na pera mula sa pag-iihaw ng baboy.

Sabi umano ng suspek, kulang na kulang daw ito para sa isang linggo nilang pagkain lalo na at may dalawa silang anak.

Sa kabila ng ginawa ng kaniyang misis ay dinalaw pa rin niya ito sa kulungan at dinalan ng pagkain.

Gayunpaman, wala pang balak patawarin ng mister ang kaniyang asawa dahil hindi naman daw iyon ang unang pagkakataon na siya ay sinaktan ng misis. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.