Lalaki, nalunod sa Nadsadjan Falls

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 02:38 AM | Updated as of Oct 10 2017 12:52 PM

Nalunod ang isang lalaki sa Nadsadjan Falls sa bayan ng Igbaras, Iloilo nitong Linggo, Oktubre 8.

Tinukoy ang biktima bilang si Julie Magbanua, 30 anyos.

Ayon sa hepe ng Igbaras Police, aahon na sana mula sa paglangoy ang biktima at ang siyam niyang kasamahan nang tangayin sila ng malakas na agos ng tubig sa talon.

Nailigtas ang iba pang kasama ng biktima, pero hindi na nasaklolohan si Magbanua. 

Nagtamo ng ilang sugat ang tatlo sa mga nailigtas na kasamahan ng biktima.

-- Ulat ni Bea Zaragosa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.