Truck tumagilid sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2020 08:52 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Sarado ang bahagi ng Ayala Boulevard papuntang Taft Avenue dahil sa tumagilid na trailer truck, Biyernes ng madaling araw.

Natumba ang truck matapos na kumaliwa ito papuntang Ayala Boulevard mula Romualdez Street.

Sa paunang imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mabilis ang takbo ng truck at posibleng mabigat ang kargamento nito kaya tumagilid.

Hindi na naabutan ng mga rumesponde ang driver ng truck.

Inaalis pa rin ng MMDA ang tumagilid na truck kaya sarado ang dalawang lane ng Ayala Boulevard papuntang Taft Avenue.

Isang counterflow lane ang binuksan sa kabilang bahagi ng Ayala Boulevard para sa mga papuntang Taft. Maaari rin kumanan sa Natividad Lopez Street na tutumbok din sa Taft Avenue.