PatrolPH

Pagpapatupad ng health protocols sa mga sakayan sa Commonwealth, pahirapan

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2020 08:32 PM

MAYNILA - Hirap ang mga awtoridad na ipatupad ang mga health protocol sa mga pasahero at mga bus na dumaraan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. 

Sa pagbabantay ng Metropolitan Manila Development Authority at Quezon City Task Force on Transport and Traffic Management, nakita nilang nag-uunahan sa pagsampa sa mga bus ang mga pasahero. 

Hindi na rin nagagawang kuhanin pa ang temperatura ng mga pasahero at wala na ring physical distancing sa loob ng sasakyan. 

Ayon sa mga awtoridad, nahihirapan sila dahil sa haba at lawak ng kalsada. 

"May mga tao kami na naka-assign sa area 2 [o] 3 per area na bus stop. Kaya lang ang problema namin na-o-overwhelm 'yang tao namin hindi niya kayang kontrolin yung dami," ani Dexter Cardenas, officer-in-charge ng QC Task Force on Transport and Traffic Management. 

Kaya naman nanawagan sila sa mga pasahero at mga bus na sumunod sa protocol. 

"Alam naman natin na may pandemya pa, lahat naman ng panuntunan nailatag na, nasa tao na yan para sundin," ani EDSA traffic chief Bong Nebrija. 

Plano namang magtayo ng designated bus stops ang mga awtoridad at dagdagan ang mga bus na bibiyahe sa Commonwealth Avenue. 

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.