Mga preso, bahagyang nagkagulo kasunod ng isinagawang demolisyon sa Bilibid

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 10:10 PM

MAYNILA - Nagpakawala ng warning shot ang mga bantay sa New Bilibid Prison matapos puwersahang buksan ng mga preso ang isang gate sa pasilidad Miyerkoles ng hapon.

Kasunod ito ng isinagawang demolisyon sa mga ilegal na istruktura sa loob ng pasilidad.

Dahil sa demolisyon, inilipat sa Quadrant 2 at 3 ang mga inmate mula sa Quadrant 1 at 4 saka ikinandado ang gate.

Ngunit puwersahang umanong binuksan ng mga preso ang gate para makapasok sa kabilang mga quadrant.

Ayon kay Bureau of Corrections spokesperson Alberto Tapiru, walang nasugatan sa gulo pero nagkaroon ng pangha-harass sa mga nurse na nasa hospital kaya napilitan ang mga bantay na magpakawala ng warning shot.

Agad naman umanong nakontrol ang sitwasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.