Lalaki tiklo matapos mangmolestiya umano ng 4 menor de edad sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 07:05 PM

CEBU CITY - Timbog ang isang 49 anyos na lalaki Miyerkoles matapos mangmolestiya umano ng 4 na menor de edad dito sa lungsod.

Ayon sa pulisya, dalawang lalaki at babae ang nabiktima ng 49 anyos na suspek. Pinakabata sa mga biktima ay isang 7 anyos at ang pinakamatanda ay 10 anyos na pinaghihinalaang ginahasa din.

Inaresto ang suspek, isang e-bike driver, matapos magsumbong umano ang isa sa mga biktima na hinawakan ng tsuper ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Ayon kay Police Cpl. Krizzia Carol Regudo ng Women and Children's Protection Desk, binigyan umano ng suspek ng pera ang mga biktima at tinuruan pa na gumamit ng e-bike hanggang sa dalhin sila sa isang lugar kung saan sila inabuso.

Todo-tanggi naman ang suspek at sinabi na gawa-gawa lamang ang mga paratang laban sa kaniya.

Isasailalim sa medical exam ang apat na biktima habang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.