Holdaper na minomolestiya ang ilan sa mga biktima tinutugis

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 05:00 PM | Updated as of Oct 09 2019 06:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Quezon City ang isa umanong holdaper na minomolestiya rin ang ilan sa kaniyang mga biktima.

Ang suspek ang sinasabing responsable sa 6 na insidente ng holdap na may kasamang pangmomolestiya sa lungsod.

Isang 14 anyos na babae ang muntik nang mabiktima ng suspek sa may New Manila noong nakaraang linggo.

Papasok ng eskuwela ang teenageer bandang 5:30 ng madaling araw nang harangin ng suspek.

Nakuhanan din ng CCTV ang panghoholdap at pangmomolestiya ng suspek sa isang biktima sa Barangay Mariana noong Agosto.

Ayon kay Manolito Nepomuceno, executive officer ng Barangay Mariana, matagal na nilang inaabangan ang suspek, na mula Hulyo pa nambibiktima sa kanilang lugar.

Nakikipag-ugnayan na ang tauhan ng barangay sa Quezon City Police District para matukoy at maaresto ang suspek.


—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.