Naaresto noong Martes ang isang barangay konsehal at isa niyang kasamahan dahil sa umano'y pagbebenta ng shabu sa San Pablo City, Laguna.
Nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya sa Barangay Santa Maria Magdalena kung saan nakipagkita ang suspek na konsehal sa Barangay I- B at kasama nito, ayon kay San Pablo police chief Lt. Col. Eliseo Bernales.
Matapos iabot ang isang sachet ng shabu, dinakip ang 2 suspek, na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid na ang mga tauhan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ang nagsumbong sa pulisya sa umano'y ilegal na gawain ng kanilang katrabaho sa barangay.
-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, war on drugs, buy-bust operation, San Pablo, Laguna, barangay councilor