2 patay matapos umano manlaban sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 08:12 PM

CORDOVA, Cebu - Patay ang dalawang drug suspect matapos umano manlaban sa pulisya dito sa bayan nitong Miyerkoles.

Humantong sa isang engkuwentro ang isang surveillance operation ng pulisya sa mga high-value target na sina Arbet Arbellon at Lowel Pacalloga, na isang dating pulis na nag-AWOL matapos madawit sa ilegal na droga.

Pagdating ng pulisya sa isang bahay sa Sitio Kumpang sa Barangay Bang-Bang sa bayan, nakita nilang nasa isang pot session ang mga suspek kasama ang dalawa pa.

Nang malaman ng mga suspek na mga pulis ang dumating, bigla umano sila nagpaputok ng baril.

Napatay si Abellon at ang isa sa mga kasamahan na kinilalang si Arnel Macan habang nakatakas naman si Pacalloga at ang isa pa.

Ayon sa awtoridad, aabot sa halos 50 gramo ng ilegal na droga ang inuubos ng grupo kada linggo.

Patuloy pa din ang manhunt operation ng pulisya sa mga nakatakas. 

- Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.