100 botelya ng herbal medicine na 'may opium' nasabat sa 2 Pakistani | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
100 botelya ng herbal medicine na 'may opium' nasabat sa 2 Pakistani

ABS-CBN News
Published Oct 09, 2019 03:53 PM PHT

MAYNILA — Timbog ang 2 Pakistani noong Lunes matapos silang makuhanan ng higit 100 botelya o 1 kilo ng "herbal medicine" na may sangkap na opium sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division, modus ng 2 dayuhan na magbenta ng mga herbal medicine pero may halong ilegal na droga pala ang mga ito.

"The guise of herbal medicine contained doon sa gamot, 'yun 'yung opium alcaloids," sabi ni Atty. Jeremy Lotoc, agent on case.

Noon daw ay sa isang tindahan ibinebenta ng grupo ang mga gamot, na lunas daw sa sakit sa puso at high blood.
Noon daw ay sa isang tindahan ibinebenta ng grupo ang mga gamot, na lunas daw sa sakit sa puso at high blood.
ADVERTISEMENT
Pero dahil ilang beses nang na-raid, lumipat ang grupo sa online selling.

"Iyung item kasi first impression is parang medicine lang pero pag ini-scrutinize mo 'yung labeling, doon nakasulat dun for sale in India only," sabi ni Lotoc.

Nasa 100 botelya ang nakuha sa 2 suspek. Bawat bote ay nagkakahalaga ng P3,500.

Makikipag-ugnayan ang NBI sa Bureau of Customs para malaman kung paano nakalulusot ang mga naturang produkto sa kanila.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa 2 nahuli. —Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News