Isiniwalat nitong Martes ng isang opisyal ng pamahalaan na negatibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa cancer matapos sumailalim sa mga pagsusuri sa isang pribadong pagamutan.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) acting secretary Eduardo Año, si Duterte mismo ang nagkumpirma nito noong Lunes ng gabi sa isang cabinet meeting.
"He disclosed to us that the result of the test was negative, the one where they took samples from his intestines," ani Año.
(Sinabi niya na ang resulta ng mga test (sa cancer) ay negatibo. Iyong mga test kung saan kumuha ng mga sample mula sa kaniyang bituka.)
Lumutang ang usapin ukol sa kalusugan ng Pangulo noong isang linggo matapos niyang kumpirmahin na nagpunta siya sa isang ospital upang magpasuri.
Sinabi rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakitaan si Duterte ng "growth" kaya kinailangang sumailalim sa mga eksaminasyon.
Hindi itinatago ni Duterte na mayroon siyang Barret’s esophagus na isang komplikasyon ng gastroesophageal reflux disease. Katunayan ay inamin niyang sumailalim siya kamakailan sa endoscopy at colonoscopy.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, cancer, Rodrigo Duterte, health, kalusugan, Department of Interior and Local Government, DILG