Mag-aaral na hirap sa online classes, binigyan ng desktop ng propesor sa PUP

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2020 09:46 AM | Updated as of Oct 08 2020 10:59 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nabiyayaan ng desktop computer ang isang Grade 6 na mag-aaral para makatulong sa kaniyang online classes.

Si Eng. Rene Tanasas, isang propesor na nagtuturo sa Polytechnic University of the Philippines, ang tumugon sa pangangailangan ni JM Periña matapos na mapanood sa TV Patrol ang kalbaryo na dinadanas ng bata sa blended learning.

“Actually, meron akong computer shop, ngayon tiningnan ko kung meron pa akong stock ng computer para 'yun na lang sana ang ibibigay ko sa kanila. Wala naman pala akong stock kaya kinabukasan bumili ako ng computer,” sabi ni Tanasas sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga.

Cellphone o tablet lang sana ang nais niyang ibigay sa bata pero naisip niyang kung magbibigay siya, lulubos-lubusin na niya.

“Ang tablet mahirap gamitin. Doon sa desktop kasi marami siyang magagawa kahit hindi na online marami pa ring magagawa yung bata.