Daytime videoke, karaoke sa Maynila ipinagbawal

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2020 04:13 PM | Updated as of Oct 09 2020 12:16 AM

Watch more in iWantTFC

Ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paggamit ng karaoke at videoke machine mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Nagpasa si Moreno ng ordinansa ukol sa pagbabawal sa mga nabanggit na makina, at maging sa ibang "sound-produce devices," matapos umanong makatanggap ng mga reklamong nakakaabala ang mga ito sa online class ng ilang mag-aaral.

Pagmumultahin ang mga lalabag ng P1,000 sa unang offense, P2,000 sa ikalawang offense, at P3,000 sa ikatong offense at pataas.

Dahil ipinagbabawal ang face-to-face classes bunsod ng patuloy na banta ng COVID-19, sa bahay muna mag-aaral ang mga bata ngayong taon.

Nag-umpisa noong Lunes ang mga klase sa pampublikong paaralan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.