Halos P70 milyong halaga ng shabu nasabat sa QC; Chinese tiklo

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 07:43 PM | Updated as of Oct 09 2019 12:50 AM

MANILA (UPDATE) - Aabot sa P68 milyon na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakalagay sa plastic na may pangalan ng tsaa ang mga kontrabando na nasamsam.

Ayon kay Joel Plaza, director ng PDEA - NCR, maaaring kabilang ang mga ito sa mga nakalusot na kontrabando mula Vietnam kung saan malaking bulto nito ang nasamsam sa Manila International Container Terminal noong March 22.

Isang Chinese at 2 Pilipino ang nahuli sa isinagawang operasyon sa Santa Catalina Street.

Sasampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.