3 hinihinalang miyembro ng NPA, tiklo sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 10:38 PM

Tatlong hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupong New People's Army (NPA) ang nahuli ng mga sundalo sa bayan ng Las Navas, Northern Samar nitong Huwebes.

Nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo ng 20th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Barangay San Jorge nang mahuli ang tatlong lalaking suspek.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Anton "Tito" Manoso, Edwin "Bunay" Picson, at Rey Christian "Nads" Sabado.

Ayon sa militar at pulisya, si Manoso ay unit militia member ng NPA habang si Sabado ay sectoral deputy political instructor ng sub-regional committee ng NPA sa lugar.

Nakuha ang isang 9mm na kalibre ng baril, isang .45 na kalibre ng baril kasama ang bala, at isang hand grenade.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naaresto, na nahaharap sa mga kasong kriminal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.