Mag-lola patay sa sunog sa Cagayan De Oro

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 04:33 PM

Patay ang 83-anyos na lola at kanyang apong may diperensya sa pag-iisip matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Macasandig, Cagayan De Oro, Linggo. 

Posibleng na-suffocate sina Luzviminda Dumaguing at 45-anyos na apo na si Mary Grace nang ma-trap sa kanilang nasusunog tahanan, ayon kay Senior Fire Insp. Greg Rosario. 

Kuwento naman ni Herbert Dumaguing, apo ng matanda, mabilis na lumaki ang apoy kaya hindi na niya nabalikan ang mga biktima matapos na ilabas mula sa bahay ang kanyang 2 anak. 

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng mag-lola habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, sabi ni Rosario. 

Nag-iwan ang insidente ng nasa P300,000 danyos sa ari-arian. -- Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News  

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.