Karpintero, patay matapos maguhuan ng lupa sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 12:25 AM

Patay ang isang karpintero matapos maguhuan ng lupa sa Barangay Apas, lungsod ng Cebu ngayong Sabado.

Kinilala ang biktima bilang si Joel Brobo, 41, na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Naglalakad pauwi mula sa kanyang trabaho ang biktima nang biglang matabunan ng isang bahagi ng riprap sa barangay, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Halos isang oras ang isinagawang retrieval operation sa natabunang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.